BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday, June 6, 2009

Kwentong Batanggenyo

AIRPLANE CRASHES IN BATANGAS

An airplane crashed at a town in Batangas.

MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.
LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang are sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!
MEDIA: Ho?

VEHICULAR ACCIDENT IN BATANGAS

MEDIA: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?
LOLO: Ay uwo! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!
MEDIA: 'Sensya na po sa abala.
LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakingga aring dyip ay saksakan ng tulin? Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba'y maiipit na'y naka-umis pa! Kainaman! Hayown! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y
kawangki ng nilamukos na kiche. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal e!

Source : http://www.batanggenyo.net/2008/08/kwentong-batanggenyo.html

ANO GA PO ANG IBIG SABIHIN NG "KICHE"? yun laang ang di ko naintindihan e!








0 comments: